-- Advertisements --

Kinasuhan na ng otoridad ang nasa 24 na katao na hinihinalang nagsimula ng malawakang sunog sa kagubatan ng New South Wales Australia.

Sa inilabas na pahayag ng NSW Police, naghain na sila ng legal action laban sa 183 katao kung saan 40 ay mga kabataan.

53 naman ang humaharap sa criminal charges dahil sa bigo nilang pagsunod sa ipinatupad na total fire ban sa lungsod at 47 ang inaakusahang nag-iwan ng nakasinding sigarilyo o posporo sa lupa.

Umabot na rin sa 24 na katao ang naitalang patay dahil sa sunog .

Nasa 18 million ektraya ng kagubatan sa Australia ang nilamon na ng apoy kung saan karamihan dito ay bushlands at mga parke.

Matindi ring naapektuhan ang nasa kalahating bilyong mga hayop at milyon-milyon dito ay namatay.