-- Advertisements --

Naglabas ng pahayag si Atty. Rowena Guanzon matapos ang insidenteng kinasangkutan niya at isang Chinese national sa Rockwell Mall, kung saan umano’y pinagsabihan siya na umalis dahil “contagious” matapos lamang siyang mabulunan at umubo.

Ayon kay Guanzon, inutusan umano siya ng lalaki na lisanin ang mall dahil sa pag-ubo, bagay na tinutulan niya.

Aniya, wala itong karapatang paalisin siya at dapat ang natatakot magkasakit ang umiwas sa publiko.

Dahil sa tensyon, tumaas umano ang kanyang blood pressure at kinailangan siyang tulungan ng mall medics.

Nag-file si Guanzon ng official complaint sa Makati Central Police Station.

Humingi umano ng paumanhin ang asawa ng lalaki, ngunit hindi ang mismong inirereklamo.

Ikinuwento rin ni Guanzon na nang babasahan na sana ng Miranda Rights ang lalaki, bigla umano ito itinakas ng kanyang abogado, bagay na pinuna niyang hindi umano akma sa propesyon bilang abogado.

Sa ngayon, patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.