-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Atty. Richard Palpal-latoc bilang bagong chairperson ng Commission on Human Rights.

Ang 48-anyos na abogado ay maninilbilhan ng pitong taon sa CHR Commission en banc mula 2022 hanggang 2029.

Ang appointment paper nito ay pinirmahan ni Pangulong Marcos noong Setyembre 15.
Bago ang kaniyang appointment ay naging Deputy Executive Secretary for Legal Affairs sa ilalim ng Office of the President.

Si Palpal-latoc ay naging Assistant City Prosecutor ng Office of the City Prosecutor sa Quezon City noong 2020.