-- Advertisements --

Iginiit ni suspended Senate Sergeant-at-Arms Mao Aplasca na inatake ang Senado noong Mayo 13.

Ito ay sa kabila pa ng pagkaila ng Malacañang, Department of the Interior and Local Government, at National Bureau of Investigation sa nasabing naratibo.

Ayon kay Aplasca, ‘spliced’ o pinutol-putol umano ang mga iprinisentang CCTV footage upang palabasing walang naganap na pag-atake.

Nauna na ngang ipinakita ni CIDG director Maj. Gen. Robert Morico II ang sipi ng security footage kung saan makikitang si Aplasca ang nagpakawala ng unang warning shot bago gumanti ng putok ang NBI agent.

Sa ngayon, hindi pa humaharap si Aplasca sa CIDG kaugnay sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa shooting incident at pinayuhan ang kaniyang mga abogado na humiling ng extension.

Samantala, kinumpirma naman ng CIDG na isinuko na ni Aplasca ang kaniyang baril, na isinasailalim sa ballistic examination sa PNP Crime Laboratory.

Kasalukuyan nang nasa anim na buwang suspensiyon si Aplasca matapos ang shooting incident sa kapulungan.