Idinaan sa biro ni Atty. Bea Patricia Magtanong ang napalawig pang reign nito bilang 2019 Binibining Pilipinas International.

Nag-post kasi ang beauty queen/lawyer mula Bataan, ng throwback picture nito noong crowning moment niya sa Binibining Pilipinas kapalit ni Athisa Manalo.

Magtanong Bea

Nabatid na wala pang petsa ang 2020 Binibining Pilipinas coronation na dalawang beses nang nakansela bunsod ng coronavirus pandemic.

Kung maaalala, nasungkit ni Atty. Patch ang Top 8 finish sa Miss International noong nakaraang taon, habang ang kinoronahan ay ang pambato ng Thailand.

Taong 2018 ay abot-kamay na ng bansa ang pang-pitong Miss International crown sa pamamagitan ng first runner-up ni Maria Athisa Manalo, pero kinoronahan ang pambato ng Venezuela na nagkataong birthday.