-- Advertisements --

Nanawagan si dating Presidential Speaker Atty. Harry Roque sa publiko na makiisa sa People Power para mapababa sa pwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Gaganapin ang umanong People Power sa Forbes Park kung saan naninirahan ang ilan sa mga politikong sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Roque tama lamang na dalhin sa bakuran ng mga kurap na politiko ang rally upang mas maramdaman nila ang galit ng mga mamamayan sa kurapsyon.

Binigyang diin ni Atty. Roque, na ang dapat sisihin umano sa kurapsyon ay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sapagkat ito ang namumuno sa bansa.

Dagdag pa nito, hindi umano magagawang makapagnakaw ng malaking pera sa gobyerno nina dating House Speaker Martin Romualdez at dating Cong. Zaldy Co kung walang pahintulot ni Pangulong Marcos.

“Dahil ang namumuno saating bayan ay kurap si Marcos Jr. dahilan kung kaya’t ang mga opisyales sa ilalim nya kasama na si House Speaker at Zaldy ko ay kurap” ani Atty. Roque

Samantala, pinaratangan din ni Roque ang mga Marcos na ginagamit umano ang gobyerno at ginagawang negosyo para magpayaman. sinabi nito na ginawa na ito noon ni dating pangulong Marcos Sr. at pinagpapatuloy ngayon ng anak na si Marcos Jr. kung kaya’t dapat na ikulong umano ang mga ito at huwag ng hayaan pa na makabalik sa politika.