-- Advertisements --
BANAC
BGen Banac

Dumipensa ang Philippine National Police (PNP) sa naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang pagtalaga sa Bacolod PNP kay Lt. Col. Jovie Espenido.

Misyon ni Espenido sa nasabing siyudad ang pag-neutralize sa mga sangkot sa iligal na droga.

Ayon kay PNP spokesperson, Brig. Gen. Bernard Banac, inilagay si Espenido sa Bacolod City para palakasin ang operasyon laban sa kriminalidad, ilegal na droga, at mga pilice scalawags.

Giit ni Banac, iginagalang aniya ng PNP ang karapatang pantao sa kanilang mga operasyon.

Aniya, walang dapat ipangamba ang mga taga Bacolod hinggil sa assignment ni Espinido duon dahil hindi naman gagawa ng aksiyon ang opisyal na labag sa karapatang pantao.

“The PNP views it as putting emphasis on his campaign promise to eradicate illegal drugs. PLtCol Espenido is placed there to intensify the campaign against crime, illegal drugs, and rogue cops, following established procedures and rule of law, with utmost respect for human rights,” pahayag pa ni Brig. Gen. Banac.

Naging kontrobersyal si Espenido dahil siya ang chief of police ng Albuera, Leyte nang mapatay sa loob ng piitan si Mayor Rolando Espinosa nang silbihan ito ng warrant noong 2016.

Nang madestino sa Ozamiz, napaslang naman si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog sa ikinasang drug operations.