Dumagdag pa ang Asian Hospital and Medical Center sa Alabang, Muntinlupa City, sa listahan ng mga ospital na nag-deklara ng full capacity sa kanilang pasilidad dahil sa COVID-19 pandemic.
— Asian Hospital (@asianhospitalph) July 23, 2020
Sa isang statement ianunsyo ng ospital na puno na ang kanilang emergency room nitong July 23, kaya hind raw muna sila tatanggap ng pasyente.
Hindi na binanggit ng pagamutan kung ilang pasyente pa ang kanilang inaalalayan sa ER, pero hinimok nito ang mga bagong dadalhin na pasyente na sa ibang ospital muna magtungo.
“As much as we would like to accommodate all patients, our quality of care may be compromised. Thus, we are advising our patients to seek urgent care in other institutions in the meantime.”
“We will continue to admit emergency cases, or those requiring immediate and life threatening medical care.”
Ayon sa Department of Health (DOH), kapag nag-anunsyo ng full capacity ang isang ospital, ibig sabihin ay puno na ang pasilidad na inilaan nito para sa COVID-19 cases.
Kamakailan ilang malalaking pribadong ospital na rin sa Metro Manila ang nagdeklara ng full capacity.
Tulad ng Makati Medical Center at St. Lukes Medical Center sa Quezon City at Taguig City.
Maging ang government facility na Philippine General Hospital ay nagsabing hindi na nila kayang tumanggap ng marami pang COVID-19 patients.
Nitong linggo inilunsad ng DOH ang One Hospital Command strategy na layuning palakasin ang referral system ng mga ospital sa mga temporary treatment and monitoring facilities.