Aminado ang bagong Philippine consul general sa New York na si Elmer Cato na malaking hamon sa kaniya at sa iba pang opisyal ang nangyayaring hate crimes laban sa mga Asian, lalo na sa ilang Filipino.
Magugunitang itinalaga si Cato bilang kapalit ng nagretirong si Consul General Petronila Garcia, na nagretiro na noong Enero.
Ang bagong consul ay nanggaling sa dalawang taong panunungkulan sa Libya bilang Chargé d’Affaires.
Bago naging diplomat, nagtrabaho rin siya sa Pilipinas bilang mamamahayag.
Sa kaniyang Twitter post, sinabi ni Cato na nararapat lamang kondenahin ang mga pag-atake sa ating mga kababayan, dahil lamang sa pagiging Asian.
“Arrived in New York to be greeted by news of another anti-Asian hate crime directed this time against a 65-year-old Filipina who was beaten up near @PHinNewYork. We condemn this and other incidents of violence against our kababayan,” wika ni Cato.