ashton kutcher
Hollywood actor Ashton Kutcher testifies in her friend’s murder in 2001.

Humarap sa korte si Hollywod actor Ashton Kutcher laban sa di-umano’y serial killer na pumatay sa kanyang kaibigan.

Taong 2001 nang maganap ang nasabing pagpatay sa kaibigan ni Kutcher na si Ashley Ellerin.

Kwento ng aktor, nakatakda sana silang dumalo sa post Grammy-party noong gabi ng Feb. 21, 2001 ngunit hindi na raw sinasagot ng biktima ang kanyang mga tawag kung kaya’t pinuntahan niya ito sa kanyang tinutuluyan.

Dagdag pa ni Kutcher, sinubukan niyang buksan ang pinto at kumatok ng ilang beses para makita ang biktima pero dahil nakita niyang bukas ang ilaw sa loob ng bahay nito ay inakala niyang lumabas na ito kasama ang isa pa nilang kaibigan.

Inilarawan naman ng aktor na ito sana ang kauna-unahang date nilang dalawa ni Ellerin simula nang magkakilala sila noong December 2010.

Ayon pa sa 41-anyos na aktor, kinabukasan na nang malaman niya ang malagim na nangyari sa kanyang kaibigan. Pag-amin pa nito na kinabahan umano siya dahil nasa doorknob ng pintuan ng biktima ang kanyang fingerprints at natakot siyang mapagbintangan.

Ikinasal noong July 2015 si Kutcher kay Hollywood actress Mila Kunis at mayroon na silang dalawang anak.

Nakilala si Kutcher sa mga pelikula tulad ng “No Strings Attached”, “The Butterly Effect”, at “Texas Rangers”