LEGAZPI CITY – Unti-unti nang bumabalik ang mga nag-aalaga ng baboy sa Catanduanes matapos wala nang maiulat na bagong kaso ng African swine fever (ASF).
Sa panayam ng Bombo ng Radyo Legazpi kay Dr. Jane Rubio ang provincial veterinarian ng nasabing lalawigan, ang naturang repopulation ng mga baboy sa isla ay kasabay na rin ng pagbibigay ng ayuda ng Department of Agriculture (DA).
Nasa P1.1 million na ang naipamahaging tulong ng tanggapan kun saan P5,000 ang ibinibigay sa mga hog raisers sa kada baboy na isinailalim sa culling operation dahil sa outbreak ng ASF.
Bahagi pa lamang aniya ito ng ayuda na ibibigay ng DA dahil marami pang mga magbababoy ang hindi pa naaabutan ng tulong pinansyal hanggan sa ngayon.
Kasabay nito, mas pinaigting pa ng provincial government ang pagbabantay sa mga border at pagpapatupad ng mga precautionary mearsures upang hindi na muling magkaroon ng outbreak ng sakit sa mga baboy.
Napag-alaman na naglagay ng bio-security sa bawat barangay upang matiyak ang kulusugan ng mga alagang baboy at maiwasan ang kontaminasyon ng sakit.