-- Advertisements --
Nananatiling problema pa rin ng Department of Agriculture ang African Swine Fever sa mga livestock industry.
Sinabi ni DA Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa na patuloy pa rin ang pananalasa ng ASF sa mga lalawigan ng Aklan, Antique, Negros Oriental at Negros Occidental.
Gumagawa na sila ng mga hakbang para matulungan ang mga apektadong negosyante.
May mga paraan din silang ginagawa para hindi na kumalat sa ibang lugar at ng hindi makaapekto sa presyo ng mga karne ng baboy.