-- Advertisements --
ASF

Inihayag ng isang opisyal ng DA na ang banta ng African swine fever (ASF) ay humihina na.

Sinabi ni DA Undersecretary Zamzamin Ampatuan, na nananatiling hamon para sa gobyerno na pigilan ang pagkalat ng ASF.

Ito ay aniya hanggang sa magkaroon ng bakuna laban sa sakit sa baboy sa bansa.

Binigyang-diin din ni Ampatuan ang pangangailangang pahusayin ang produksyon ng baboy sa mga lugar na nananatiling ASF-free.

Ang nasabing ang hakbang aniya ay upang matugunan ang inaasahang kakulangan ng baboy sa panahon ng kapaskuhan.

Giit din ng ospiyal na maaaring matugunan din ng importasyon ang inaasahang pagtaas ng demand ng baboy para sa bansa.