Hindi napigilan ni Transportation Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Goddes Hope Libiran na makiisa sa mga nag-repost ng na Twitter post ng aktres na si Angelica Panganiban.
Laman ng nasabing controversial post ng 33-year-old actress nitong November 1 kasabay ng pananalasa ng Bagyong Rolly, ay ang kwestyon na ano raw ba ang plano? at sana’y kumilos naman para sa bayan.
Wala naman nabanggit na pangalan si Panganiban sa naturang post pero umani ito ng mga batikos mula sa mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumbinsidong ang pangulo ang pinapatamaan.
Sa panig ni Asec. Libiran, halos wala pa nga aniya silang tulog kaya sana ay maipagtulungan sa halip na maghilahan pababa sa tuwing may kalamidad.
Nilinaw naman ng kalihim na hindi siya galit, kundi puyat lang.
Una nang nag-trending ang #NasaanAngPangulo sa Twitter nitong Linggo matapos na “no show” si Digong sa idinaos na government meeting hinggil sa hagupit ng bagyo.
Pero giit ni Presidential spokesperson Harry Roque, naka-monitor ang pangulo sa sitwasyon at siya ring nag-utos sa kanila na isagawa ang dalawang oras na press conference sa headquarters ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Camp Aguinaldo, Quezon City.