Hahalili sa pwesto ni Rep. Eric Martinez bilang kinatawan ng Valenzuela ang asawa nitong si Dra. Kat Martinez na tinaguriang Doktora ng Masa.
Ngayong araw naghain ng kaniyang Certificate of Candidacy si Dra Martinez.
Binigyang-diin nito na ipagpatuloy niya ang pagbibigay na dekalidad na serbisyo publiko na sinimulan ng kaniyang asawa na si incumbent Valenzuela 2nd District Representative Eric Martinez na nasa ikatlong termino na niya ngayon.
Pagbibigay-diin ng Doktora ng Masa ang malaking pangangailangan para sa reporma sa sector ng serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng district 2.
Kabilang sa kaniyang paka tutukan ang expansion program para sa Valenzuela Medical Center na target nitong maging isang world class hospital at ang pagkakaroon ng iba pang public healthcare facilities.
Bibigyan din nito ng pansin ang hanay ng medical professionals at workers sa pamamagitan ng paghain ng panukalang batas para magkaroon sila ng komprehensibong benepisyo.
Sa panig naman ni Rep. Eric Martinez na sa nalalapit na halalan dapat tignan ng mga taga-valenzuela at ikonsidera ng matibay na track record ng isang kandidato.
Ipinagmalaki ni Rep. Martinez na bukod sa kaniyang pagsusumikap naipasa ng panukalang batas ang House Bill 7327 na ngayon ay Republic Act 11327 na nagtatakda para sa pagtaas ng bed capacity ng Valenzuela Medical center mula sa 200 ngayon ay magiging 500 beds na ito.
Samantala, tiniyak naman ni dating Valenzuela Rep. Rex Gatchalian na ngayon ay DSWD Secretary ang kaniyang suporta sa kandidatura ng asawa ni Rep. Martinez.