Umapela sa pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang asawa ng suspendidong si Calvin Abueva.

View this post on Instagram

post PARA SA LAHAT! Sana makarating sayo kung sino man ikaw?kayo? gusto ko lang sana malaman kung ano po ba ang basehan kung bakit hangang ngayon hindi parin nakakalaro ang asawa ko hindi pa ba sapat ang 9 na buwan para sa parusa na binigay niyo hindi pa ba sapat na lahat na apektuhan dahil sa pangyayare na to di pa ba sapat na pati 5 anak namin naapektuhan sa pangyayare na to di pa ba sapat na pati pamilya ng asawa ko sa pampanga nag sasakripisyo para dito? di pa ba sapat lahat ng yan para anong kadahilanan pala gusto ko lang sana maliwanagan sa dami ng nakita ko na pangyayare sa bawat player na may ginawa na hindi sang ayon sainyo na mas malala pa sa nagawa ng asawa ko eh patuloy parin nakakapag laro nagpapasalamat din ako sainyo dahil sa pangyayare na to madami talagang natutunan ang asawa ko madami siya mga bagay na nabago lalo na sa pagsasama namin bilang mag asawa kaya gusto ko lang malaman ano pa yan sinasabi niyo na pinapagawa niyo sknya na kayo lang may alam bakit wala naman kaming alam sa sinasabi niyong pinapagawa niyo kaya hindi pa matapos tapos ito. Pero sana maintindihan nyo may 5 kami anak na binubuhay.. hindi naman pwede naka hang lang kami hindi namin alam saan to papunta..sana ibukas niyo nalang sa publiko sa lahat ng mga fans sa lahat ng mga taong sumusuporta sainyo gumagastos nag iipon ng pera para lang bumili at mapanuod ang mga iniidolo nila karapatan nila malaman at maging parte ng laban na to mas maganda gawin publiko ang mga bagay na sinasabi niyo na pinapagawa niyo mas magandang malaman ng lahat ang mga hakbanh or paglilitis na sinasabi niyo kung bakit ganito katagal at kung bakit pati ang invitation ng national team sa asawa ko ay pinipigilan niyo hindi ba karapatan niya yun na lumaro para sa bansa niya at itayo ang bandera ng pilipinas? Karapatan ng lahat malaman ang basehan nito sa totoo tayo! SALAMAT PO 🙏🏻 #LETcalvinPLAY #UNLEASHtheBEAST #socialjustice #humanrights #pilipinas #katarungankarapatankaalaman @spinph @sports5.ph @abscbnsports @gmanetwork @pbaliveontv5 @pbaconnect

A post shared by Salome Alejandra J. Abueva (@abueva_sam) on

Ayon sa asawa ng Phoenix Pulse forward na si Sam, na hindi na nila alam ang basehan kung bakit hindi pa rin ibinabalik sa paglalaro ang kaniyang asawa.

Dapat ay maging sapat na ang siyam na buwan na suspension.

Maguugnitang pinatawan ng indefinite suspension si Abueva noong Hunyo matapos ang nangyaring kaguluhan sa pagitan nila ni TNT import Terrence Jones at sa kasintahan ni Ray Parks’ na si Maika Rivera.

Sinabi naman ni PBA Commissioner Willie Marcial na nakausap na niya si Abueva tungkol sa ano pa ba ang ibang dapat nitong gawin at sakaling natapos na ito ay agad niya isasangguni sa PBA board.