Ikinasal na ang asawa ng namayapang Linkin Park singer Chester Bennington na si Talinda.

Isinagawa ang pagpapakasal ni Talinda kay Michael Fredman isang L.A. County firefighter.

Naganap ito noong pagsalubong ng bagong taon sa Turtle Bay Resort sa Kahuku, Hawaii.

Magugunitang ikinasal si Talinda at Chester noong 2005 New Year’s Eve.

May tatlong anak sina Chester at Talinda na sina Tyler at kambal na sina Lilly at Lila.

Magugunitang nagpakatiwakal ang Linkin Park singer noong 2017 kung saan itinuturong dahilan ang pagigign depressed nito.