Nakalaya na mula sa pagkakakulong ang asawa ni Mexican drug lord Joaquin “El Chapo” Guzman na si Emma Coronel Aispuro.
Ito ay natapos na niya ang kaniyang halos dalawang taon na hatol na makulong dahil sa kasong drug trafficking at money laundering.
Si Coronel ay nahatulang makulong ng tatlong taon noong Nobyembre 2021 matapos na maghain ng plead guilty sa kaso na may kinalaman sa kaso ng asawa na sangkot sa iligal na droga.
Ang kaniyang hatol ay kinabibilangan ng apat na taon na supervised release at ang forfeiture ng $1.5 milyon.
Hind na nagbigay pa ng ibang detalye ang Federal Bureau of Prisons (FBOP) para na rin sa kapakanan ng ni Coronel.
Nasa residential reentry management facility si Coronel sa Long Beach, California.
Sa pagdinig sa kaniyang kaso ay labis na nagsisi si Coronle na isang dual US-Mexican citizen na sumali sa drug cartel ni Guzman.
Magugunitang si Guzman ay dalawang beses na tumakas sa kulungan ng Mexicoat ito ay kasakuluyang nagsisilbi ng kaniyang life sentence sa Supermax prison ng Colorado at ito ay nahatulan noong 2019.