Naging emosyonal ang may-bahay ng Hollywood actor na si Bruce Willis sa pagbati nito sa ika-68 kaarawan ng actor.
Sa social media post ni Emma Heming, na labis ang kalungkutan sa kinakaharap na hamon ngayon ng actor.
Kasalukuyan pa rin kasi itong ipinoproseso ang realidad kung paano malalampasan ang dementia diagnosis.
Bagamat nakakatanggap ito ng mga mensahe ng pagpapalakas ay inamin niya na napanghihinaan na ito ng loob lalo na at may dalawa pa silang anak na pinapalaki na sina Mabel at Evelyn.
Magugunitang noong Pebrero ay ibinahagi ng kaanak ng actor kasama ang dating asawa nito na si Demi Moore at tatlo nilang anak na sina Rumer, Scout at Tallulah na diagnosed ang actor ng FTP na una ay mula sa asphasia na nagsimula noong 2022.
Ang FTP ay isang brain disorder na apektado ang frontal at temporal lobes ng utak na nakakaapekto ng kaniyang pagsasalita.