WASHINGTON – Kailangan pa raw ng masusing pag-aaral sa epekto ng isang gamot sa rayuma bilang treatment sa mga pasyente ng COVID-19.
Tatlong magkakahiwalay na studies ang inihambing sa journal na JAMA Internal Medicine matapos gamitin ang arthritis drug na tocilizumab sa coronavirus patients sa Amerika, France at Italy.
Sinasabing may kakayahan ang nasabing gamot na harangin ang signaling protein sa katawan ng tao na nag-uudyok ng paglala ng impeksyon.
“Tocilizumab has been used for several years to treat a condition known as cytokine release syndrome, which can be observed in cancer patients receiving certain types of immunotherapy,” ayon kay Dr. David Leaf, isa sa mga researchers ng US-study.
Halos 4,000 critical cases ang sumali sa pag-aaral na pinangunahan ng Brigham and Women’s Hospital sa Amerika.
Lumabas sa ginawang eksperimento na 52.4% ng mga participants ang buhay na na-discharge, pero 39.3% ang namatay. Nasa 8.2% naman ang nananatiling nasa ospital.
“The 1544 patients who died included 125 of the 433 patients (28.9%) treated with tocilizumab and 1419 of the 3491 patients (40.6%) not treated with tocilizumab.”
Aminado ang American researchers na may ilang butas ang pag-aaral dahil may pagkakaiba sa demographics o populasyong sumali sa study.
FRANCE AND ITALY STUDIES
Kumpara sa naging pag-aaral ng Amerika, kontrolado ang naging proseso ng research sa dalawang European countries.
Sa Italy, 120 pasyente ang sumailalim sa study, pero wala raw nakitang epekto sa mga ginamitan ng tocilizumab.
“Placebo-controlled randomized clinical trials are needed to confirm the results and to explore possible applications of tocilizumab in different stages of the disease.”
Ang trial naman na ginawa sa France ay nagpakita raw ng decrease sa porsyento ng mga pasyenteng mangangailangan ng ventilators matapos gamitan ng gamot sa loob ng dalawang linggo.
“No difference on day 28 mortality was found. These findings should be confirmed with a larger randomized clinical trial with longer follow-up,” nakasaad sa study na naka-base sa France.
“Newly released randomized trials suggest a potential role for tocilizumab in COVID-19 but do not show clear evidence of efficacy, in contrast to observational studies. Their findings do not support the routine use of tocilizumab for COVID-19 inmost
settings,” ayon kay Dr. Jonathan Parr, infectious disease specialist sa University of North Carolina at Chapel Hill, sa isang editorial.
Hindi inirerekomenda ng US National Institutes of Health ang tocilizumab bilang treatment sa COVID-19.(with reports from AFP)