-- Advertisements --
Nakarating na buwan ang rocket ng NASA na Artemis.
Naabot ng Orion capsule ang 130 kilometers ng lunar at magsisimula ng pumasok sa pinakamalaking orbit.
Hindi nakontak ng 34 minutos ang spacecraft habang nagmamaneobra sa pinakamalayong bahagi ng buwan.
Matapos makabalik ang signal ay nagpadala ito agad ng imahe ng daigdig.
Ayon kay Nasa flight director Zebulon Scoville, nalagpasan ng Artemis ang kanilang inaasahang perfomance ito.
Ipinakita rin ng nasabing spacecraft ang mga landing sites ng Apollo 11, 12 at 14.
Magugunitang nagsimulang lumipad ang Artemis mission noong Nobyembre 16 sa Kennedy Space Center sa Florida na ito ang itinuturing na pinakamalakas na rocket na ginawa ng NASA.