Humihiling ng P10 milyong confidential fund ang ARTA upang matulungan ang mga operasyon nito laban sa mga fixer sa 2024.
Ayon kay ARTA Sec. Ernesto Perez, naniniwala ito na ang kanilang ahensya na may tungkulin sa pagpapatupad ng batas, ay nangangailangan ng CIF para sa investigations, surveillance operations, at entrapment operations laban sa mga fixers.
Ayon kay Perez, ang mga aktibidad na ito ay ginagawa sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group at National Bureau of Investigation.
Kung walang CIF, sinabi ni Perez na ang mga aksyon ng ARTA ay limitad lamang dahil ang mga pondong ito ay sasakupin din ang mga gastos para sa pag-upa ng mga safehouse para sa mga saksi o witnesses.
Sa P10 milyon na ibinigay sa kanila noong 2022, sinabi ni Perez na P8 milyon lamang ang nagamit ng ahensya dahil sa disruption sa proseso ng appointment.