-- Advertisements --

Handang tulungan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang mga negosyante na magsampa ng reklamo laban sa anumang ahensiya ng gobyerno dahil sa irregularidad.

Sinabi ni ARTA Director Ernesto Perez na may ilang kumpanya na silang natulungan kung saan nadaan sa komprontasyon at mabilis na nakakuha ng mga government requirements ang nasabing mga kumpanya.

Sa nasabing hakbang aniya ay maiibsan ang pangamba ng ilang mga investors na hirap makakuha ng ilang mga government requirements.

Hinikayat nito ang publiko at ilang kumpanya na dapat ay hindi sila matakot na maghain ng reklamo kung saan tinutugunan nila ito kahit hindi magpakilala ang mga magrereklamo.