-- Advertisements --
image 108

Itinakda sa November 1 ang arraignment sa korte sa kontrobersyal na si Dr. Chao Tiao Yumol, na nahaharap sa tatlong kaso ng murder, frustrated murder at pagnanakaw ng sasakyan kaugnay sa nangyaring pamamaril sa Ateneo de Manila University (ADMU) noong July 24 .

Una rito, sa ikalawang pagkakataon ay ipinagpaliban ng Quezon City Court Regional Trial Court Branch 98 ang pagbabasa ng sakdal dahil sa hindi pa nakapagsusumite ang National Center for Mental Health (NCMH) ng kanilang findings sa sinasabing mental condition ni Dr. Yumol.

Kung maalala binaril ni Yumol si dating Mayor Rosita Furigay ng Lamitan City, Basilan, ang kanyang executive assistant na si Victor Capistrano at ang Ateneo security guard na si Jeneven Bandiala.

Sinasabing dalawang pagkakataon na ring sumailalim sa pagsusuri si Yumol at ang pangatlong beses na medical examination sa akusado ay gagawin sa Oct. 4.