arnold schwarzenegger 2
“Terminator” star Arnold Schwarzenegger

Hindi na raw magsasampa ng kaso ang hollywood star na si Arnold Schwarzenegger matapos nitong masipa sa Arnold Classic Africa sporting event na ginanap sa South Africa.

Nakikipag-usap lamang ang 71-anyos na aktor sa kanyang mga fans nang bigla na lamang siyang sipain sa likod ng isang hindi kilalang lalaki na naging dahilan nang pagkatumba nito.

Kaagad namang hinuli ng mga otoridad ang nasabing lalaki samantalang nagpatuloy naman sa pakikisalamuha ang aktor.

Sinigurado naman ni Schwarzenegger na maayos ang kanyang kondisyon at pagtuunan na lang umano ng mga tao ang mga atletang lumahok sa event.

Ginaganap tuwing Mayo ang Arnold Classic Africa kung saan tampok dito ang halos 90 sports at nilalahukan ng 24,000 atleta.