2nd1
-- Advertisements --

2nd4

Sinimulan na ng Philippine Army 2nd Infantry Division ang kanilang vaccination rollout para sa kanilang medical frontliners kahapon March 13,2021.


Ito’y matapos natanggap ng Jungle Fighters ang kanilang unang dose ng Covid-19 vaccine mula sa AFP leadership.

Mismong si BGen. Rommel Tello ang Assistant Division Commander ang tumanggap sa mga nasabing bakuna kasama si Tanay, Rizal Mayor Rex Manuel Tanjuatco sa isinagawang symbolic vaccination ceremony.

2nd2

Ayon kay BGen. Tello, sumailalim sa pre-screening ang mga AFP medical frontliners bago sila binakunahan at post evaluation para imonitor kung magkakaroon ng Adverse Effects Following Immunization (AEFI).

-- Advertisement --

Ayon sa datos ng 2nd Army Station Hospital nasa 1,200 vials ang inilaan para sa 600 recipients mula sa 2nd ID.

Hinimok naman ni BGen. Tello ang lahat ng mga kasundaluhan na huwag matakot na magpabakuna.

2nd

” Let us move forward in ending the pandemic by taking the vaccine at hand so that we will be able to perform our mandate to serve the people with confidence and without hesitation of getting infected. So, roll up your sleeves and get it,” pahayag ni BGen. Tello.

Binigyang-diin naman ni 2nd ID Spokesperson Capt. Jayrald Terrnio, sa kabila ng nagpapatuloy na vaccine roll-out sa mga military camps, patuloy na ipatutupad ng mga sundalo ang minimum health standards gaya ng paggamit ng face masks, face shield, pananatilihin ang physical distancing, proper hygiene and sanitation.