-- Advertisements --
Kinumpirma ng Philippine Army (PA) na sinibak na sa puwesto ang commander ng 2nd Infantry Battalion (IB) na nasa likod ng panduduktor ng mga larawan ng mga sumukong rebelde sa Masbate.
Ayon kay PA Spokesman Lt. Col. Ramon Zagala, nitong Enero 7 pa tinanggal ang commanding officer ng 2IB na si Lt. Col. Napoleon Pabon makaraang aminin nito ang kaniyang pagkakamali at akuin ang pananagutan dito.
Gayunman, iginiit ng Army na totoo na nagbalik-loob nga sa militar ang nasa 306 na mga dating rebelde gayundin ay naisauli sa pamahalaan ang may 45 armas nito.
Sinabi ni Zagala, kasalukuyan nang nirerepaso ng PA ang mga polisiya nito sa paglalabas ng tamang impormasyon at ulat sa publiko.
Top