-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Bahagyang nag-panic ang mga residente nga Kampo Evangelista, Brgy Patag, matapos umalingaw-ngaw ang mga malalakas nga putok sa loob ng 4th Infantry Division, bandang alas -12:00 ng madaling araw.

Isinalaysay ng isang retiradong sundalo sa Bombo Radyo Cagayan de Oro na hindi na sila makatulog dahil sa mga pagyanig at malakas na putok sa loob ng kampo.

Base naman sa inisyal na report ng 4ID, ang mismong armory unit nga kanilang kampo unang nakitang nag-apoy.

Isinailalim muna sa temporary lockdown ang buong dibisyon.

Sa ngayon, bagama’t wala nang malalakas nga pagputok, naghihintay lang ang mga bombero ng Bureau of Fire Protection upang apulahin ang apoy.