-- Advertisements --
Nakuha ng Argentinian football star Lionel Messi ang 2022 FIFA player of the year.
Kasunod ito sa pagkampeon ng Argentina kontra sa France matapos ang extra time sa 3-3 draw sa World Cup na ginanap sa Qatar.
Nakapagtala kasi ng dalawang goals ang 35-anyos na si Messi sa World Cup.
Tinalo nito sa awarding si French forward Kylian Mbappe at Karim Benzema.
Mayroon na itong kabuuang 27 goals sa loob ng 49 laro si Messi.
Tinanghal naman bilang women’s player of the year si Alexia Putellas.