Tinanghal bilang Global Ambassador ng FIBA World Cup 2023 si Argentina star Luis Scola.
Siya ang pangalawang all-time top scorer na mayroong 716 points at bilang ambassador ay tutulong sa promosyon ng 2023 FIBA World Cup na magsisimula sa Agosto 25.
Gaganapin kasi ang FIBA Basketball World Cup sa Pilipinas, Japan at Indonesia.
Dadalo si Scola sa gaganapin draw ceremony sa bansa sa susunod na taon.
Ang 42-anyos na Argentinian player ay naglaro ng limang World Cups mula 2002 hanggang 2019 kung saan nagwagi na ito ng dalawang silver medals sa unang paglalaro nito at sa huli noong 2019.
Kapantay niya si Brazilian great Ubiratan Pereira Maciel na naglaro ng kabuuang 41 sa FIBA.
Kabilang din siya na nagwagi ng gintong medalya noong 2004 Olympics kasama ang kababayan na NBA player na si Manu Ginobli.
Sa kaniyang social media ay labis na nagpasalamat si Scola dahil pagkapili sa kaniya bilang Global Ambassador ng FIBA Basketball World Cup.