Kinumpirma ni PNP Chief Oscar Albayalde na anumang oras bukas darating sa bansa ang puganteng si Ricardo “Ardot” Parojinog mula sa Taiwan.

Ayon kay Albayalde, may pinirmahan na itong travel order para sa 3-men team na susundo kay Ardot para ibalik ito sa Pilipinas.

Posible umanong umalis nitong Huwebes ng gabi o bukas ng madaling araw at bumalik rin bukas ng gabi ang susundong 3 men team.

Sinabi ni PNP chief, kung susunduin si Ardot sa Taiwan ay wala na rin umanong magiging problema dahil plantsado na ito ng Philippine at Taiwanese authorities.

Si Ardot ay inaresto at nahaharap sa kasong illegal entry at pamemeke ng mga dokumento.

Mananatili muna sa kustodiya ng PNP si Ardot habang hinihintay ang commitment order mula sa korte.