-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin sa kaniyang fans ang actor na si Jason Momoa matapos ang ginawa nitong video sa Sistine Chapel.

Nasa Rome kasi ang “Aquaman” actor at ito ay nagpost ng video sa kaniyang social media na walang damit pang-itaas at nagwo-workout habang nasa loob ng nasabing simbahan sa ibabaw ng sikat Michelangelo painting sa mga dingding at kisame noong Mayo 9.

Mula noong ipinost ang nasabing video ay umani ito ng negatibong komento mula sa mga fans.

Sa kaniyang paliwanag ay sinabi nito na mahal niya ang Roma at sinabi nitong ilang beses na siyang bumisita sa Vatican noong 19-anyos pa ito.

Umabot ng mahigit tatlong milyong views ang video kung saan ito humingi ng paumanhin.