Hindi big deal kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach ang pahayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na siya ang nangungunang revenue earner sa kanyang distrito sa Quezon City.

Ayon sa 28-year-old Cagayan de Oro beauty, obligasyon ng lahat ang pagbabayad ng buwis kaya hindi na dapat pang antayin ang mismong araw ng deadline.

“Hindi naman dapat pinag-iisapan pa yan. Talaga namang dapat nagbabayad tayo ng buwis at dapat talaga on time,” ani Wurtzbach sa isang panayam.

Nabatid na personal na nag-file ng income tax return (ITR) sa BIR ang pangatlong Pinay Miss Universe.

Sa Lunes, April 15, ang deadline ng filing ng ITR.

-- Advertisement --