-- Advertisements --

comelec1a

Aprubado na ng House Committee on Appropriations ang ilalaang pondo para sa panukalang pagpapaliban sa Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Batay sa section 4 ng panukala ang funding para sa pagpapaliban ng Barangay at SK Elections ay kukunin mula sa pondo ng COMELEC sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).

Sa kabila ng pag mosyon ni Albay Rep. Edcel Lagman na ilagay ang specific amout ng kakailanganing pondo ay inaprubahan pa rin ang bersiyon ng Komite kahit walang isinasaad na halaga.

Batay sa naging paliwanag ni Appropriations Vice chair Ruwel Peter Gonzaga, tutukuyin na lamang ang halaga sa oras na isalang ang panukala sa plenaryo.

Nasa P8.44 billion pesos ang kabuuang budget na inilaan paras BSK elections para ngayong taon.

Ayon kay COMELEC Chair George Garcia sa nasabing halaga may higit isang bilyong piso nang nagamit.

Ang natitirang 7.587 billion naman ay magiging bahagi ng pondo sakaling matuloy nag panukalang postponement.

Maliban pa ito sa 1 billion pesos na savings ng poll body mula sa katatapos lamang na national and local elections at hiwalay pang 421 million.

Kung matuloy ang pagpapaliban ng Barangaya and SK election sa May 2023 nasa kabuuang P17.9 billion pesos ang kakailanganing budget ng ahensya habang P18.4 billion naman kung sa December 2023.

Kaya kung susumahin, kulang pa ng P9.5 billion ang budget kung itatakda ang halalan sa Mayo sa susunod na taon at P10.8 billion naman kung sa December 2023.

Sinabi ni Garcia ang dagdag pondo ay para sa karagdagang cluster precint dahil sa inaasahang dagdag na botante.

Sasakupin din nito ang pagtaas sa benepisyo at allowance ng poll wokers kung saan sasagutin ng COMELEC ang 20% tax na ipinapataw sa mga ito.

Batay sa panukala, nakatakda sa December 5, 2023 ang Barangay at SK elections.