-- Advertisements --

Naniniwala si House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Representative Elizaldy Co na nasa tamang direksiyon ang House of Representatives hinggil sa ginawa nilang pagbabago sa panukalang 2024 national budget.

Sinabi ni Co na kanila lamang tinutugunan kung ano ang dapat tugunan na isyu lalo na ang sitwasyon sa bahagi ng West Philippine Sea na nangangailangan ng decisive action para protektahan ang national sovereignty ng bansa.

Ngayong araw, tinapos na ng small committee ang institutional at individual amendments para sa panukalang pambansang pondo.

Pinasalamatan ni Co ang kaniyang mga co-members kabilang sina Majority Leader Mannix Dalipe, appropriations committee Senior Vice Chairman Stella Quimbo at Minority Leader Marcelino Libanan.

Sinabi ni Co nasa kabuuang P194-billion na pondo ang isinailalim sa realignment na layong i rationalize ang allocation sa pondo ng pamahalaan..

Dagdag pa ni Co, upang mapahusay ang produksyon ng pagkain at labanan ang inflation, lalo na ang mataas na halaga ng bigas, ginawa ng maliit na komite ang mga sumusunod na pagbabago sa panukalang badyet para sa 2024:

  • P20-billion sa DA para sa subsidy program
  • P40-billion sa National Irrigation Administration (NIA) para sa pag install ng solar-driven irrigation pumps at subsidize communal irrigation;
  • P2-billion para sa Philippine Coconut Authority para sa massive planting/replanting ng coconut seedlings;
  • P1.5-billion para sa vaccines laban sa African Swine Fever (ASF)
  • P1-billion sa Philippine Fisheries Development Authority para sa pag construct sa fishery and post-harvest facilities sa Palawan aat Kalayaan Group of Islands;

Pinondohan din ang mga sumusunod:

  • P43.9-billion sa DOH
  • P1-billion sa UP Philippine General Hospital
  • P35-billion para Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Assistance to Individuals in Crisis Situations
  • P17.5-billion sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa TUPAD program
  • P10.4-billion para sa DOLE-Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Training for Work Scholarship Program;
  • P17.1-billion para sa Commission on Higher Education’s (CHED) Tertiary Education Subsidy and Tulong Dunong Program.