Pinuri ni House Appropriations Panel Chair at Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co ang pagkaka aresto sa large-scale onion smuggler na si Jayson de Roxas Taculog matapos masabat ang nasa P78.9 million illegal imported agri products.
Ayon kay Co ang pagkaka aresto kay Taculog ay nagpapakita na seryoso ang gobyerno sa commitment nito na labanan ang agriculrural smuggling.
Sinabi ni Co na ang pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang SONA na bilang na ang araw ng mga agriculrural smugglers ay hindi lang sabi sabi kundi ito ay may katotohanan.
Dinala sa kustodiya si Jayson de Roxas Taculog kasunod ng pagpapalabas ng warrant of arrest ni Manila Regional Trial Court Branch 26 Judge Edilu Hayag.
Ang pag-aresto ay naunahan ng pagsamsam ng malaking dami ng mga iligal na inangkat na mga produktong pang-agrikultura na naka-consign sa Taculog J International Consumer Goods Trading.
Binigyang-diin ni Co ang kahalagahan ng malaking epekro ng smuggling sa agricultural sector.
Sa lehislatura, binigyang-diin ni Co ang pag-usad ng House Bill (HB) No. 9284, na kilala bilang Large-scale Agri-Fishery Commodities o Tobacco Hoarding, Profiteering, Cartelizing, at iba pang Acts of Market Abuse bilang Economic Sabotage Act.
Paliwanag ni Co, pagkatapos na maipasa ang ikatlo at huling pagbasa, ang panukalang batas ay naglalayong i-classify ang smuggling ng produktong pang-agrikultura bilang ‘economic sabotage’, isang krimen na mapaparusahan ng habambuhay na pagkakakulong at pagmumulta ng anim na beses ng patas na halaga sa pamilihan ng mga kasangkot na produkto ng agrikultura at pangisdaan para sa mga indibidwal na napatunayang nagkasala ng smuggling, pag-iimbak, pagkakakitaan, o pagbuo ng mga kartel.