-- Advertisements --
Pina-reset ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang pag-apruba sana sa appointment ni dating Davao del Norte provincial election supervisor Aimee Ferolino Ampoloquio, bilang commissioner ng Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Drilon, hindi maaaring makapasa ang isang opisyal kung may mga nakabinbing tanong ang mga miyembro ng CA.
Batay sa rules, kahit isang CA member lang ang maglahad ng pagkwestyon ay hindi na makakausad ang appointment ng sinumang nakasalang sa hearing.
Itutuloy na lamang ito kapag nakapagsumite na ang poll official ng mga hinihinging dokumento at nasagot na ang mga tanong ukol sa assets ng kaniyang asawa.