
Pangungunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Turn over Ceremony at Retirement Honors para kay outgoing AFP chief of Staff Gen. Jose Faustino na magreretiro na sa serbisyo bukas, Biyernes November 12,2021.
Habang dadalo naman sa pamamagitan ng virtual teleconference si Pang. Rodrigo Duterte.
Bukas alas-3:00 ng hapon nakatakda ang seremonya.
Kahit mayruon ng iskedyul sa turn-over ceremony nakabinbin pa rin sa ngayon kung sino naman ang susunod na pinuno ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Ayon kay Sec. Lorenzana, nuong huling linggo pa ng Oktubre niya isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang shortlist ng mga kandidato sa pagiging AFP Chief of Staff.
Apat na pangalan aniya ang kabilang sa shortlist ngunit tumanggi na siyang magdetalye kung sinu-sino ang kaniyang mga inirekumenda.
Kung ang rules of succession ang susundin ang mga kandidato sa pagka-AFP Chief ay ang mga pinuno ng Major Services at Area Command.
Ang Board of Generals ang pipili at sasala sa mga pangalan ng mga Heneral na kabilang sa shortlist bago isumite sa Defense Secretary.
Kabilang sa mga kandidato ay sina Philippine Army Chief Lt.Gen. Andres Centino, Phil Air Force Chief Lt Gen. Allen Paredes, Navy Flag Officer in Command VAdm. Adelius Bordado.
Gayundin sina Southern Luzon Command Chief LtGen. Bartolome Bacarro, Northern Luzon Command Chief LtGen. Arnulfo Burgos, Western Mindanao Command Chief
MGen Alfredo Rosario, Eastern Mindanao Command Chief LtGen. Greg Almerol at Visayas Command Chief MGen. Robert Dauz.
















