Aminado ang Pinoy fighter na si Juan Miguel Elorde na pressured ito sa magiging laban bukas kontra kay WBO junior featherweight world champion Emanuel Navarrete.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay Elorde, sinabi nitong alam niyang malaking inaasahan sa kaniya, lalo’t marami ang nakakaalam na apo siya ng boxing legend na si Gabriel “Flash” Elorde.

Pero hindi umano siya nagpapa-apekto sa pressure at sa halip tinutukan talaga niya ang matinding ensayo.

Nakadagdag pa sa challenge ang atrasadong kumpirmasyon ukol sa nasabing laban.

Ang sagupaang Navarrete at Elorde ay bahagi ng undercards sa heavyweight championship match sa pagitan nina Tyson Fury at Otto Wallin sa Las Vegas, Nevada.