-- Advertisements --
Nagluluksa ngayon ang beteranong Hollywood actor na si Robert De Niro dahil sa pagpanaw ng 19-anyos na apo nitong lalaki na si Leandro De Niro Rodriguez.
Sa social media account ng actress na si Drena De Niro ang anak ng actor na pumanaw na ang anak.
Hindi naman na nagbigay pa ng ibang detalye kung ano ang sanhi ng kamatayan nito.
Naka-tag naman sa social media post nito ang ama ni Leandro na si Carlos Rodriguez o Carlos Mare.
Si Leandro De Niro Rodriguez ay isa ring actor na lumabas ito kasama ang ina sa pelikulang “A Star Is Born” na pinagbidahan nina Bradley Cooper at Lady Gaga. noong 2018.