-- Advertisements --
Ramdam na rin hanggang sa Palawan ang pag-ulang dala ng low pressure area (LPA), na unang nagdulot ng baha sa Visayas at Mindanao.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang LPA sa layong 85 km timog timog silangan ng Zamboanga City.
Nakapaloob pa rin ito sa intertropical convergenze zone (ITCZ) o ang nagsasalubong na hangin sa Mindanao at West Philippine Sea.
Samantala, extension naman ng frontal system ang nagdadala ng ulan sa eastern section ng Southern Luzon.
Habang hanging amihan ang patuloy na nagdudulot ng malamig na hangin at paminsan-minsang ulan sa natitirang parte ng Luzon.










