-- Advertisements --
image 363

Papalo na sa mahigit dalawang milyong indibidwal ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Paeng sa buong bansa.

Sa data ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, aabot na sa 75,168 na pamilya o katumbas ng 297,341 na indibidwal ang nananatili sa 3,028 evacuation centers.

Mayroon ding 53,544 na indibidwal ang lumikas rin at pansamantalang nakitira sa mga kaanak o kakilala.

Umakyat naman sa 852 kabahayan ang napaulat na totally damaged habang nasa 2,212 ang partially damaged.

Kaugnay nito, tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng DSWD ng ayuda sa mga apektadong lugar.

Katunayan, aabot na sa higit P51-milyon ang halaga ng relief resources na naipaabot nito katuwang ang LGUs at NGOs sa mga biktima ng kalamidad.