Unti-unti na umanong isasama ng Department of Health (DoH) ang positive antigen test results sa kanilang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases daily tally.
Sinabi ni Health Usec. at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, kasunod na rin ito ng pagsasagawa nilan ng validaton sa mga report na puwede nang isali ang positibong resulta ng rapid antigen testing sa kanilang tally.
Ayon kay Vergeire nakikipag-ugnayan na rin umano ang DoH sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno gaya ng Metro manila Development Autthority (MMDA) at National Task Force Against COVID-19 para tumulong sa pag-ulat ng positive results mula antigen test.
Ang naturang mga resulta ay galing naman sa mga clinics o local government units (LGUs).
Mayroon na aniyang specific reporting system para gawing official at mandato sa bawat gumagamit ng antigen testing na maireport ang resulta sa pamahalaan.