-- Advertisements --

Maaari na ngayong ganap na ipatupad ng pamahalaan ang implementasyon ng anti-terrorism law sa buong bansa.

Ito ay matapos na pagtibayin ng Korte Suprema ang constitutionality ng naturang panukala.

Ayon kay Justice Undersecretary Adrian Sugay, tuluy-tuloy na ang magiging implementasyon ng Anti-Terrorism Act of 2020 sa hindi na diringgin pa ng Mataas na Hukuman ang anumang mosyon hinggil sa mga petisyon laban dito.

Ito ang dahilan kung bakit wala na aniyang magiging balakid pa sa pamahalaan na ipatupad ito upang sugpuin ang terorismo sa buong Pilipinas.

Samantala, hindi naman pabor dito ang mga grupo at advocate ng human rights.

Bukod sa inilarawan ang nasabing kautusan bilang “draconian” ay nagpahayag din ng pangamba ang naturang grupo dahil sa posibleng mas paglala raw ng sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa.

Ngunit pagdepensa ni Sugay, maaari pa rin naman daw na kuwestiyonin ang nasabing batas dahil sa ipapatupad ito nang naaayon sa Konstitusyon ngunit magbabatay na lamang aniya ito sa partikular na criminal act na kasong kinakaharap ng isang tao.