-- Advertisements --
BuCor1

Nangako ang pamunuan ng Bureau of Customs na lalawakan pa nito ang kampanya para mapigilan ang smuggling ng ibat ibang mga produkto sa bansa.

Sa datus kasi ng BOC, mula noong buwan ng Enero hanggang sa kalagitnaan ng Nobiembre ay umabot na sa P41.9 billion ang halaga ng mga produktong naipuslit sa bansa at nasabat ng Customs office.

Ayon kay Commissioner Bienvenido Rubio, lalo pa nilang lalawakan ang pagbabantay sa mga pantalan at lahat ng mga lugar na pinipilit gawing channel o daanan ng mga smugglers.

Babantayan aniya ng mga enforces ng Customs office ang mga smugllers na nagpupumilit makapagpasok sa bansa ng ibat ibang mga produkto na galing sa ibang mga bansa.

Kabilang sa mga produktong malimit aniyang ipuslit sa Pilipinas ay ang mga agricultural products, sigarilyo/tabako, damit, branded na sapatos at bags, atbp.

Marami sa mga ipinupuslit na produkto, lalo na ang mga naharang ng Customs Office, ay mga counterfeit o pekeng produkto.