-- Advertisements --

Nilusob ng nga anti-vaccine protesters sa Bulgaria ang kanilang parliament building.

Hindi nagtagumpay ang mga ito dahil sa agad silang hinarang ng mga nakabantay na kapulisan.

Nagprotesta kasi ang mga ito dahil sa ipinapatupad na coronavirus restrictions.

Nasa mahigit 3,000 na mga protesters ang nagtangkang lumusob sa parliament building.

Hinamon nila ang mga mambabatas na lumabas at tugunan ang mga hiling nila.

Inirereklamo nila na itinigil ang mga pasok sa eskuwela ng mga bata dahil sa restrictions.

Ilan sa mga batas na inaalamahan nila ay ang pagsusuot ng facemask sa publiko, loob man ng gusali at mga pampublikog sasakyan.