Hindi na maaaring lagyan ng mga pulitiko ng kanilang panglan, mukha o logo ang mga proyekto ng gobyerno na pinondohan sa ilalim ng 2021 budget.
Ito ay matapos makasama sa 2021 General Appropriations Act ang isang special provision o tinaguriang “anti-epal.”
Ayon kay Senate Committee on Public Services chairperson Senator Grace Poe, ang mga nagbabayad ng buwis at hindi mga pulitiko ang nagpopondo sa mga proyekto at programa ng gobyerno.
Dahil dito ay walang puwang sa anumang proyekto ang mukha o pangalan ng sinumang pulitiko.
Nakasaad sa General Provision No. 82 ng 2021 budget na bawal ang paglalagawa ng pangalan. logo, pirma o ano pang analogous image ng kahit sinong opisyal na ibinoto o itinalaga sa kahit anong programa, aktibidad, proyekto o signage.
Magandang hakbang rin aniya ito para harangin ang mga premature campaigning ng mga pulitiko na may hangaring tumakbo sa 2022 elections.