Kinumpirma ng Japanese government na maglalagay ito ng anti-dumping duties sa mga Chinese chemical products na ginagamit sa thermal insulation na magtatagal hanggang limang taon.
Nabatid daw kasi ng gobyerno na ang flame retardant chemical o Trisphosphate ay binebenta ng mas mababa pa sa market value nito.
Ayon pa rito mananatili ang taripa sa loob ng limang taon base sa WTO rules. Ang percentage nito ay gagawing 37.2, parehong porsyento sa duties na ipinatupad sa iba pang produkto noong Hunyo batay sa provisional basis.
Bago ito ay nagpahayag na ng pagkabahala ang ilang Japanese officials tungkol sa magiging epekto ng dumping sa bansa lalo na at iisang kumpanya lamang ang kayang mag-produce ng kemikal na ginagamit bilang construction materials.