Umaapela ang isang kongresista sa mga kapwa niya mambabatas na aprubahan na ang anti-discrimination bill na magbibigay ng safeguards para sa mga Muslim at iba pang minorya sa bansa laban sa kontrobersyal na Anti-Terror Law.
Sinabi ni Anak Mindanao (AMIN) party-list Rep. Amihilda Sangcopan sa isang panayam ilang araw matapos na aprubahan naman ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill No. 8243 o ang Equality and Non-Discrimination on Race, Ethnicity, and Religion Act.
Layon ng panukalang batas na ito na patawan ng parusa ang mgamagdi-discrinimate sa isang indbidwal dahil sa lahi, ethnicity at relihiyon nito.
Sa ngayon, pending pa sa komite sa Senado ang counterpart bill ng naturang panukala.
Nababahala si Sangcopan na ang mga Muslim at indigenous peoples ang siyang lubhang maapektuhan ng anti-terrorism law.
Magugunita na isa si Sangcopan sa grupo ng mga Muslim na mambabatas, abogado, at residente ng Mindanao na kumuwestiyon sa constitutionality ng Republic Act 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020 sa Korte Suprema.










