Nakatakda ng ipatupad ng pamahalaang lokal ng Ozamis ang “Anti-ATM Pawning Ordinance of 2023” dahilan para umapela si Ozamiz City Mayor Henry “Indy” Oaminal sa mga money lenders o nagpapautang ng pera na ibalik ang anumang third-party ATM cards na kasalukuyang nasa kanilang posisyon dahil nagsisilbi itong collateral mula sa kanilang mga kliyente.
Ang nasabing hakbang ay kilala din bilang “Sangla ATM”, na mahigpit na ipinagbabawal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
“I’m giving them a chance to do what is lawful and right. This method gives too much power and leverage to lenders, to the detriment of borrowers. If they have not returned the pawned ATMs within 30 days, then sadly they will feel the full extent of the law,” pahayag ni Mayor Oaminal.
Noong 2018, pinaalalahanan ng BSP ang publiko na ang mga biktima ng “Sangla ATM” scheme na nalantad sa hindi awtorisadong pag-withdraw identity theft at iba pa.
Ayon pa sa BSP ang mag nagpapahiram ng pera ay hindi pinahihintulutan ng anumang ahensya ng gobyerno.
Naniniwala si Mayor Oaminal na napapanahon na para maipasa ang Anti-ATM Pawning Ordinance sa kanilang siyudad upang mabawasan ang kakulangan ng tamang batas na maaaring humabol sa mga nagkakamali na nagpapahiram ng pera.
“We need to do this for the welfare of our public employees who are delivering public service on a daily basis. Such schemes will not help and have no place in Ozamiz City,” pahayag ni Mayor Oaminal.